Nagbabala si Justice Secretary Frederick Vida na kikilos ang pamahalaan upang pigilan si Ronald dela Rosa sakaling subukan nitong umalis ng bansa, kasunod ng umiiral na arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Ayon sa kalihim, natanggap na ng gobyerno ang warrant ngunit hinihintay pa ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa petisyong kumukuwestiyon sa legalidad nito. Naglabas na rin ng direktiba sa mga law enforcement at border control authorities upang agad umaksyon kung tangkaing lumabas ng bansa ang senador.
Samantala, nananatiling hindi kumpirmado ang kinaroroonan ni Dela Rosa matapos itong pansamantalang manatili sa Senado at kalauna’y umalis.
Kaugnay nito, itinuturing ng ICC si Dela Rosa bilang umano’y co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra iligal na droga ng nakaraang administrasyon.











