-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Kinagigiliwan ngayon ang isang limang taong batang lalake dahil sa husay nitong magmemorya hindi ng mga palabas sa telebisyon kundi ang mga infomercial sa radyo at facebook page ng Bombo Radyo Kalibo.

Si Raige Dwayne Pronton Guarino ng Barangay Jumarap, Banga, Aklan ay totally blind mula nang isilang ito kung kaya’t pakikinig sa radyo ang pinagkakaabalahan nito maghapon.

Ayon sa ina nitong si Roan Guarino, inituring na miracle baby si Raige dahil pitong buwan lamang ng kaniya itong isinilang na nagresulta sa habang buhay nitong pagkabulag.

Ngunit, hindi nila itinuturing na may kapansanan ang bata bagkus ay ipinag-aral nila ito at inihahanda sa lahat ng hamon sa buhay kaya puspusan ang kanilang pag-aalaga at pag-alalay kay Raige.

Maliban sa pagmemorya sa mga informercial, kilala rin nito ang lahat ng mga anchormen at anchorwomen ng Bombo Radyo Kalibo sa lahat ng programa mula sign-on hanggang sign-off.

-- ADVERTISEMENT --

Sa katunayan ay nagpakitang gilas ang bata sa kaniyang talento sa pagbisita nito sa broadcast center ng Bombo Radyo Kalibo.