Nakapagtala ang Aklan Provincial Health Office ng tatlong nasawi dahil sa leptospirosis sa Aklan mula Enero 4 hanggang Abril 18, 2026.
Ayon sa pinakahuling disease surveillance report, umabot sa 33 kaso ng leptospirosis ang naitala sa lalawigan sa naturang panahon. Naitala rin ang isang nasawi mula sa 136 kaso ng dengue.
Bukod dito, nakapagtala rin ang PHO ng 132 kaso ng typhoid at paratyphoid fever, gayundin ng 74 kaso ng influenza-like illness.
Kabilang din sa mga naitalang sakit ang 57 kaso ng hand, foot, and mouth disease, pitong kaso ng measles-rubella, anim na kaso ng acute viral hepatitis, at tig-tatlong kaso ng acute flaccid paralysis at COVID-19.
Mayroon ding isang naitalang kaso ng diphtheria sa lalawigan.
Samantala, walang naitalang kaso ng acute bloody diarrhea, acute meningitis-encephalitis syndrome, chikungunya, at monkeypox sa monitoring period ng PHO. Patuloy namang hinihikayat ng mga opisyal ng kalusugan ang publiko na pairalin ang wastong kalinisan, iwasan ang baha, at agad magpakonsulta upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit













