Nakapagtala ang Pilipinas ng 4,277 bagong kaso ng HIV mula Oktubre hanggang Disyembre 2025, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH). Dahil dito, umabot na sa 163,454 ang kabuuang naitalang kaso sa bansa mula 1984.
Karamihan sa mga bagong kaso ay kalalakihan, at pinakatinamaan ang mga nasa edad 25 hanggang 34, kasunod ang 15 hanggang 24 anyos. Pinakamataas ang naitalang kaso sa National Capital Region, sinundan ng Calabarzon at Central Luzon.
Naitala rin ang mahigit 1,000 kaso ng advanced HIV disease sa parehong panahon. Tinatayang 252,800 ang nabubuhay na may HIV sa bansa noong 2025, kung saan 61 porsiyento pa lamang ang na-diagnose.
Patuloy ang pagsusulong ng pamahalaan sa testing at gamutan upang maabot ang 95-95-95 target ng UNAIDS pagsapit ng 2030.












