-- ADVERTISEMENT --
Lumilitaw ang bagong pag-asa laban sa pancreatic cancer matapos ang pag-usbong ng ilang makabagong gamot at paggamot para sa sakit na matagal nang may mababang survival rate.
Sa kabila ng limitadong progreso sa nakalipas na mga dekada at patuloy na pagtaas ng kaso sa buong mundo, kabilang sa mga bagong development ang experimental drug na daraxonrasib mula sa Revolution Medicines, na nagpakitang kayang pahabain ang buhay ng mga pasyente kumpara sa karaniwang chemotherapy.
Bagama’t wala pang ganap na lunas, itinuturing ng mga eksperto na mahalagang hakbang ang mga bagong paggamot upang mapahaba ang buhay ng mga pasyente at palakasin ang laban kontra sa sakit.













