-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Kinorohan bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2026 ang pambato ng lalawigan ng Aklan sa ginanap na coronation night ng Miss Grand Philippines sa SM Mall Asia of Arena, Linggo ng gabi, Agosto 24, 2025.

Tinalo ni Miss Grand Aklan Beatriz Abalajon Mclelland ang 28 iba pang kandidata sa kaniyang flawless perfomance at powerful na sagot sa question and answer portion kung saan, naipaliwanag niya ng tama ang kaniyang opinion ukol sa laganap na paggamit ng Artificial Intelligence o AI.

Si McLelland ay nauna nang nakoronahan bilang Miss Eco Teen International first runner-up ko 2022.

Samantala, kinilala bilang Miss Grand Philippines 2025 si Emma Tiglao na pambato ng Pampanga kung saan, siya ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Grand International 2025 na gaganapin sa Oktobre 18 sa Phuket, Thailand.

Kinoronahan naman bilang Miss Asia Pacific International-Philippines 2025 si Miss Zambales Anita Rose Gomez; Miss Tourism World Philippines 2025 si Miss Taguig Michelle Arceo; Face of Beauty Philippines 2025 si Miss Quezon City Nikki Buenafe; First Runner-up si Miss Bicolandia Margaret Briton at Second Runner-up naman si Miss Rizal Province Beatriz Ocampo.

-- ADVERTISEMENT --