-- ADVERTISEMENT --

NEW WASHINGTON, Aklan — Umakyat na sa tatlo ang patay at apat na iba pa ang sugatan sa banggaan ng tricycle at fuel tanker sa boundary ng Barangay Fatima at Ochando, New Washington, Aklan bandang alas-7:00 umaga ng Lunes, Mayo 19, 2025.

Ayon sa imbestigasyon, tinatahak ng dalawang behikulo ang magkasalungat na direksyon nang sakupin ng tanker ang linya ng kasalubong na tricycle na naging sanhi ng banggaan.

Sinasabing ang tricycle ay nagmula sa Brgy. Dumaguit sa nasabing bayan habang ang tanker ay mula sa Kalibo at papunta sa naturang direksyon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, inamin ng driver ng tanker na nakatulog siya habang nagmamaneho sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Sa lakas ng impact ay halos nawasak ang unang bahagi ng tricycle at naipit ang pasahero sa loob habang ang iba ay tumilapon pa sa kalsada.

Dead on arrival sa ospital ang 50-anyos nga lalaki na residente ng Brgy. Dumaguit, New Washington habang 58-anyos naman ang babae na residente ng Batan, Aklan ag guro ng Aklan State University (ASU) New Washington campus.

Binawian naman ng buhay habang ginagamot sa isang pribadong ospital ang 23 anyos na lalaki dahil sa matinding sugat sa ulo.

Kasalukuyang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital ang iba pang mga pasaherong sugatan.