
Nagdeklara ng magkahiwalay na tigil-putukan ang Russia at Ukraine ngayong linggo, ngunit nananatiling walang pormal na kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.
Inihayag ng Russia ang ceasefire sa Mayo 8 at 9 kaugnay ng Victory Day, habang nagpatupad naman ang Ukraine ng open-ended truce simula Mayo 6. Sa kabila nito, nagpatuloy ang sagupaan matapos makapagtala ng mga nasawi at sugatan dulot ng missile at drone attacks.
Nagpalitan din ng air strikes ang dalawang bansa, kabilang ang pag-target ng Ukraine sa mga pasilidad sa loob ng Russia at pagharang naman ng Moscow sa daan-daang drone.
Dahil sa banta sa seguridad, binawasan ng Russia ang selebrasyon ng Victory Day sa Red Square.
Patuloy ang paglala ng tensyon sa gitna ng halos tatlong taong digmaan na nagresulta sa libo-libong pagkamatay mula noong 2022.












