Ipinahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na posible pa ring bumalik si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson bilang tagapangulo ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Sotto, patuloy pa rin ang pagsisikap ng mga senador mula sa mayorya na kumbinsihin si Lacson na muling pamunuan ang komite. Inaasahang magkakaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng komite bago matapos ang Oktubre upang talakayin ang kahilingan para sa house arrest nina dating DPWH Bulacan engineer Henry Alcantara at assistant district engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Sa parehong pagpupulong, inaasahan ding muling hikayatin si Lacson na bumalik sa posisyon. Matatandaang nagbitiw si Lacson bilang chairman ng Blue Ribbon Committee ngayong Oktubre habang iniimbestigahan ang mga iregularidad sa mga proyektong flood control.Top of FormBottom of Form