-- ADVERTISEMENT --

Tumaas na sa 57 ang bilang ng mga pulis na kinasuhan kaugnay ng umano’y hazing sa mahigit 100 bagong recruits ng Regional Mobile Force Battalion 14B sa Lamitan City, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Nauna nang iniutos na 54 na personnel ay manatili sa ilalim ng mahigpit na kustodiya, habang may ilang hindi pa na-account. Pinayuhan ni PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño ang mga dapat mag-report sa regional headquarters upang maiwasan ang AWOL.

Kasabay nito, nagsasagawa rin ng administrative proceedings ang National Police Commission (NAPOLCOM). Ayon kay Vice Chairperson at Executive Officer Commissioner Rafael Vicente Calinisan, iniutos niya ang motu proprio investigation sa umano’y hazing at maling pagtrato sa mga recruits sa RMFB-14B. Iginiit ng NAPOLCOM na ilegal ang hazing at hindi ito pahihintulutan sa loob ng PNP, at tiniyak ang mabilis na imbestigasyon at resolusyon ng kaso.