-- ADVERTISEMENT --
Inanunsyo ng National Food Authority (NFA) na lilimitahan sa 100 sako kada magsasaka ang kanilang pagbili ng palay. Ang patakarang ito ay bahagi ng mas mahigpit na mga alituntunin na layong gawing transparent ang proseso ng pagbili.
Ayon sa NFA, ang mga bagong panuntunan ay makatutulong upang masigurong ang maliliit na magsasaka ay makatatanggap ng tamang benepisyo at maprotektahan laban sa mapagsamantalang traders.
Ipinaliwanag ni NFA Administrator Larry Lacson na ipatutupad ang limitasyon sa pagbili ng palay tuwing anihan dahil sa kakulangan sa pondo at kapasidad ng mga bodega sa buong bansa. Upang solusyunan ito, plano ng ahensya na magrenta ng karagdagang warehouses para ma-accommodate ang mga ani ng mga magsasaka.