-- ADVERTISEMENT --

BANGA, Aklan — Patay ang dalawang lalaki nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang farm ng mga manok panabong,  umaga ng Miyerkules,  Hulyo 9, 2025 sa Brgy. Lapnag, Banga, Aklan.

Ang mga nasawing caretaker ay sina Hercy Rufin, residente ng Brgy. Badiangan, Banga at Stephen Palmon ng Brgy. Dingle sa naturang bayan.

Base sa report,  bandang alas-8 ng umaga nang makarinig ng mga putok ng baril ang mga residente, ngunit hindi umano nila ito pinansin.

Natagpuan ang bangkay  ng dalawa na may halos 100 metro ang layo sa isa’t-isa.

-- ADVERTISEMENT --

Ang farm ay sinasabing pagmamay-ari ng isang retired police.

Dagdag pa na dati nang ninakawan ng nasa 11 manok panabong ang naturang farm noong nakaraang mga buwan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Banga Municipal Police Station, kung saan inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin.