-- ADVERTISEMENT --
KALIBO, Aklan — Upang magkaroon ng transparency, dapat na matuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Harry Sucgang, political analysts sa Aklan, layunin ng trial na magkaroon ng demokratikong proseso at maipalabas ang mga ebidensya.
-- ADVERTISEMENT --
Sa pamamagitan aniya ng impeachment proceedings ay malalaman kung may katotohanan ang mga inaakusa sa kanya.
Mahalaga umano na maging bukas sa mga ebidensya at sa transparency na kanyang pinapaniwalaan sa simula pa lang.
Ang problema lamang ayon kay Atty. Sucgang may ilang mga senador na tatayong huwes sa impeachment trial na nagpapakita agad ng kanilang suporta sa bise presidente sa pamamagitan ng paghahain ng motion to dismiss.