-- ADVERTISEMENT --

Nakitaan ng pagbuti sa kalusugan si Kris Aquino matapos makabalik sa Pilipinas noong Setyembre mula sa pagpagamot sa Amerika para sa kanyang autoimmune diseases.

Ayon sa malapit niyang kaibigan na si Mama Loi Villarama, muling umabot sa tatlong digits ang timbang ni Kris na ngayon ay nasa 106 lbs. na.

Ibinahagi ni Mama Loi sa Instagram ang video kung saan binubuhat ni Bimby si Kris, na pareho nilang napansing mas bumigat na siya.

Ayon kay Mama Loi, nakatulong sa pagdagdag ng timbang ni Kris ang kanyang diet na binubuo ng turon, mangga, lychees, orange juice, gatas ng kalabaw na may ice cream, at Daim chocolate.