-- ADVERTISEMENT --

Apat na nakaupong senador at dalawang dating senador ang nakita sa mga dokumento at computer ni dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez.

Ito ang sinabi ni  Atty. Raymond Fortun, tumatayong abogado ng engineer.

Aniya, may iba pang senador bukod sa mga naunang nabanggit ni Hernandez na sina Senador Joel Villanueva at Jinggoy Estrada.

Kabilang sa nabanggit na dating senador ay si Ramon Bong Revilla Jr.

-- ADVERTISEMENT --

Makikita rin umano sa records ang pangalan ng ilang mambabatas na naglagay ng alokasyon sa unang distrito ng Bulacan.

Matatandaan na unang nabunyag ang mga palpak na flood control projects nang magsagawa ng inspeksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.