-- ADVERTISEMENT --

Ipinaabot ng mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, lumala na ang kanyang pisikal at cognitive condition, kaya dapat muling suriin ang kanyang detention sa International Criminal Court (ICC).

Sa filing noong Enero 9, sinabi ng defense counsel na si Nicholas Kaufman na si Duterte ay “an emaciated, infirm and incapacitated shadow of his former self,” at hindi na kayang mag-function araw-araw nang walang tulong.

Ayon sa kanila, ang court-appointed experts ay sumang-ayon na siya ay matanda na, mahina at nagkaroon ng hindi maipaliwanag na pagpayat.

Dagdag ni Kaufman, ang cognitive decline ni Duterte ay dapat bigyan ng konsiderasyon at ang mga risks para sa detention, kabilang ang flight risk, ay hindi na makakabuo sa kasalukuyang kalagayan ng dating pangulo.

-- ADVERTISEMENT --

Binanggit rin niya na isang ICC member state ay handang tumanggap kay Duterte kung papayagan siyang interim release sa ilalim ng mahigpit na kondisyon.

Sinabi naman ng Office of the Prosecutor na nananatiling may batayan ang detention, at wala pang desisyon ang Pre-Trial Chamber sa filing noong Enero 9.

Si Duterte ay inaresto noong Marso ng nakaraang taon kaugnay ng ICC case sa umano’y crimes against humanity sa anti-drug campaign mula 2016–2019, at tinanggihan na rin ang kanyang mga naunang requests para sa interim release.