-- ADVERTISEMENT --

Ibinulgar ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na dalawang beses umano silang sinuhulan ng kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ng isang “cong-tractor” o kontratistang congressman at isang contractor sa Visayas.

Aniya, “Totoo po. Isa pong contractor based on the Visayas nagparating sa aming mutual na kaibigan na kung puwedeng tulungan. Again, P1 billion naman ang ino-offer sa aming magkapatid. Ni-report ko kaagad sa Pangulo ito. Siyempre, una, tinanggihan ko.”

Gayunpaman, hindi nila ito agad inaresto dahil ‘deniable’ ang alok at hindi ito nare-record o binanggit lamang.