-- ADVERTISEMENT --
Nagbabala ang mga awtoridad sa pagdami ng mas sopistikadong love scams bago ang Araw ng mga Puso, kung saan ginagamit ang artificial intelligence at digital tools sa panlilinlang. Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center, naitala ang 123 reklamo kaugnay ng love scams noong 2025, na karaniwang tumataas sa unang bahagi ng taon.
Natuklasan na patuloy ang operasyon ng mga sindikato sa kabila ng pagbabawal sa POGO, at mas mahirap nang matukoy ang panlilinlang dahil sa paggamit ng AI sa paggawa ng pekeng larawan, video, at mensahe. Tinukoy rin ang anim na karaniwang profile ng scammers, kabilang ang pekeng ka-relasyon na humihingi ng pera, nang-eextort, nag-aalok ng huwad na investment, at nagpapanggap na sundalo o escort.













