Pinuri ang piloto nga isang airline sa Somalia matapos nitong ligtas na ma-crash land ang isang Fokker 50 passenger plane sa baybayin malapit sa international airport ng Mogadishu matapos makaranas ng teknikal na problema. Lahat ng 55 na sakay, kabilang ang 50 pasahero at lima crew, ay nakaligtas.
Ayon sa Somalia Civil Aviation Authority, nag-report ng aberya ang crew ilang sandali matapos ang pag-alis ng eroplano at humiling na bumalik sa paliparan. Bagama’t nakalapag sa runway, hindi ito tumigil at lumampas sa tarmac bago huminto sa mababaw na tubig. Walang malubhang nasugatan.
Nag-deploy agad ang UN at AU troops para sa rescue operations, at personal ding dumating ang transport minister ng bansa sa lugar. Sa pahayag ng airline, binigyang-diin ang mabilis at mahinahong desisyon ng piloto na naging susi sa kaligtasan ng lahat. Kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng teknikal na aberya.













