-- ADVERTISEMENT --

Inaresto ng mga awtoridad sa Ukraine ang isang dating energy minister kaugnay ng malawakang imbestigasyon sa umano’y korapsyon sa sektor ng enerhiya, ayon sa National Anti-Corruption Bureau of Ukraine (NABU). Ang pagdakip ay bahagi ng “Midas case” na nagdulot ng krisis pampulitika noong nakaraang taon.

Batay sa report, ang nasabing opisyal ay si German Galushchenko, na nagsilbi mula 2021 hanggang 2025. Tinatayang nasa $100 milyon ang umano’y nailihis mula sa mga state-owned firm, kabilang ang Energoatom, sa pamamagitan ng kickbacks at iligal na transaksyon.

Sinisiyasat din ang paglipat ng milyun-milyong dolyar at iba pang pera sa Switzerland, na bahagi umano’y ginamit sa edukasyon ng mga anak ng suspek. Ang kaso ay kabilang sa serye ng mga anti-corruption investigations sa bansa nitong mga nakaraang taon.