-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News — Nagbabala ang Philippine Dental Association na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon sa buong katawan ang pagpapabaya sa kalusugan ng ngipin, kabilang ang impeksiyon sa puso at mata. Ayon sa mga eksperto, ang tooth decay sa mga bata ay maaaring magdulot ng tonsillitis at iba pang respiratory problems, kaya’t mahalaga ring pangalagaan ang milk teeth upang hindi maapektuhan ang pagtubo ng permanent teeth.

Nanatiling hamon ang kakulangan sa dental services sa bansa, kung saan isang dentista ang nagseserbisyo sa mahigit 50,000 pasyente, kaya nananawagan ang Department of Health ng dagdag na pondo at suporta sa mga dentista. Sa positibong hakbang, isinama na ng PhilHealth ang oral checkup, cleaning, at dental fillings sa primary care package upang mapalawak ang access sa serbisyong dental.