-- ADVERTISEMENT --
Nagtapos ang kampanya ni Beatriz McLelland, representante ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2026 matapos bigong makapasok sa Top 8 ng nasabing kompetisyon.
Sa kabila nito, nagtapos siya bilang Top 13 sa nasabing kompetisyon.
Isinagawa ang koronasyon sa Santa Cruz, Bolivia ngayong araw ng Linggo, Pebrero 22, kung saan nabigo siyang masungkit ang back-to-back na korona para sa Pilipinas. Sa bahagi ng kompetisyon, itinampok ni Beatriz ang kanyang national costume na likha ng designer na si Renel Suarez, na nagbibigay-pugay sa kauna-unahang Miss Philippines na si Pura Villanueva-Kalaw.
Nauna nang naiuwi ni Dia Mate ang ikalawang korona ng Pilipinas sa naturang patimpalak matapos manalo sa edisyon noong Pebrero 2025.













