Nagdeklara ng “open war” ang Pakistan laban sa Afghanistan matapos magsagawa ng airstrikes sa Kabul bilang tugon sa pag-atake ng Taliban sa hilagang hangganan. Ayon sa Pakistan, tinamaan ang 22 target ng Afghan forces at mahigit 200 Taliban fighters ang napatay, habang 12 sundalo ng Pakistan ang nasawi. Iginiit naman ng Taliban na mas mababa ang kanilang casualties at may nasugatang sibilyan.
Nagkaroon din umano ng drone strikes ng Taliban sa ilang lugar sa Pakistan, ngunit napigilan ito ng mga awtoridad. Iniulat din na tumama ang rockets ng Pakistan sa isang refugee camp sa Nangarhar, Afghanistan. Bagama’t bahagyang humupa ang tensyon, nananatiling alerto ang parehong panig.
Samantala, nakipag-ugnayan ang Pakistan sa mga opisyal mula sa Turkey at Saudi Arabia, habang nag-alok ang Iran na maging tagapamagitan. Nanawagan din ang UK na ipagpatuloy ang negosasyon at maiwasan ang karagdagang pinsala sa mga sibilyan.













