-- ADVERTISEMENT --

Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maaaring makatanggap ang mga miyembro ng hanggang ₱400,000 na tulong pinansyal para sa paggamot ng advanced rectal cancer sa ilalim ng Z Benefits Package, kasabay ng paggunita sa Colorectal Cancer Awareness Month ngayong Marso.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang colorectal cancer ang ikatlong pinakakaraniwang uri ng cancer sa bansa, na may 20,736 bagong kaso noong 2022 o 11% ng kabuuang cancer cases.

Sa ilalim ng programa, may ₱150,000 na coverage para sa maagang yugto ng colon at rectal cancer, ₱300,000 para sa advanced colon cancer, at hanggang ₱400,000 para sa advanced rectal cancer. Saklaw din ng PhilHealth YAKAP program ang colonoscopy screening sa pamamagitan ng referral na may benepisyong ₱23,640 upang makatulong sa maagang pagtukoy ng sakit.