-- ADVERTISEMENT --

Magbibigay ang pamahalaan ng P5,000 fuel subsidy sa mga driver ng pampublikong sasakyan upang matulungan silang makayanan ang mataas na presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Unang makatatanggap ng tulong ang mga tricycle driver sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan sa koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Kasunod na makatatanggap ng parehong halaga ang mga driver ng jeepney, taxi, bus at Transportation Network Vehicle Service sa mga susunod na linggo.

Nakikipag-ugnayan din ang Department of Transportation sa mga toll operator upang magbigay ng diskuwento sa mga trak na nagdadala ng pagkain at produktong agrikultura upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.