-- ADVERTISEMENT --

MALAY, Aklan —Dumaong sa kauna-unahang pagkakataon sa isla ng Boracay ang cruise ship na MS Costa Serena, umaga ng Lunes, Oktubre 26, sakay ang mahigit sa 3,000 na bisita.

Nanatili ang barko sa Boracay hanggang alas-5 ng hapon bago nagtungo sa Puerto Princesa, Palawan, araw ng Martes, Oktubre 27. Bahagi ang Boracay ng 25-night, one-way cruise nito mula Tokyo, Japan patungong Sydney, Australia. Nagsimula ang biyahe noong Oktubre 18 at inaasahang magtatapos sa Nobyembre 12, 2026.

Bago dumating sa Boracay, bumisita rin ang barko sa Keelung, Taiwan noong Oktubre 21; Hong Kong noong Oktubre 23; at Subic Bay Freeport sa Luzon noong Oktubre 25.

Bilang tanda ng kauna-unahang pagdating nito sa isla, isinagawa ang seremonya ng pagpapalitan ng mga plake sa loob ng barko.