-- ADVERTISEMENT --
Nag-adjourn nang walang takdang petsa ang Technical Working Group para sa Asset Recovery ng Independent Commission for Infrastructure matapos irekomenda ng pamunuan na tapusin na ang operasyon nito.
Sa huling pulong sa Taguig City noong Marso 17, iniulat ng grupo na umabot sa humigit-kumulang ₱24.8 bilyon ang kabuuang halaga ng mga asset na na-freeze at nabawi sa tulong ng pinagsamang aksyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ang naturang ulat ay ibinigay ng chairman ng komisyon sa technical working group bago tuluyang itigil ang kanilang mga aktibidad.













