Nanumpa bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities si dating Tourism SecretaryChristina Garcia Frasco sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang Palace sa Maynila noong Miyerkules.
Sa kanyang bagong tungkulin, inaasahang pangunahan ni Frasco ang pag-uugnay ng mga programa at polisiya ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapaunlad ng matatag at napapanatiling mga komunidad. Kabilang dito ang mga hakbang sa disaster risk reduction, climate adaptation, pangangalaga sa kalikasan, at sustainable local development.
Saklaw din ng kanyang mandato ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at iba pang sektor upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga pangunahing programa ng administrasyon, gayundin ang pagtukoy sa mga kakulangan at hadlang sa mga ito.
Bago ang kanyang bagong posisyon, pinamunuan ni Frasco ang Department of Tourism mula 2022.













