REGIONAL News — Nanawagan ang Sangguniang Panlalawigan ng Iloilo sa Department of Agriculture (DA) at pambansang pamahalaan na pansamantalang ipagbawal ang pagpasok sa lalawigan ng mga buhay na baboy at produktong baboy mula sa ibang lugar.
Iminungkahi ang pagpapatupad ng dalawang buwang ban mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2026 upang maprotektahan ang mga lokal na magbababoy, partikular ang mga backyard at small-scale hog raisers na apektado ng mababang presyo ng kanilang alagang baboy.
Umaabot lamang umano sa ₱130 hanggang ₱170 kada kilo ang bentahan ng buhay na baboy ng mga lokal na magbababoy, habang nasa ₱280 hanggang ₱340 kada kilo naman ang presyo ng karne nito sa mga pamilihan.
Batay sa datos ng Provincial Veterinary Office, nasa 136,770 ang kabuuang populasyon ng baboy sa Iloilo, kung saan mahigit 91 porsiyento ay mula sa backyard at small-scale raisers.
Naaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyong humihiling ng interbensyon ng DA upang matulungan ang mga lokal na magbababoy na makabangon. Nakadepende na kagawaran ang magiging aksyon sa panawagang ito.













