-- ADVERTISEMENT --
Nagsagawa ang Israel ng air strikes sa timog Syria, na tinarget ang command center at mga armas, bilang tugon sa umano’y pag-atake sa mga Druze sa Suweida. Tinuligsa ng Syrian Foreign Ministry ang operasyon bilang paglabag sa soberanya at patuloy na panghihimasok ng Israel.
Patuloy ang karahasan sa Suweida sa pagitan ng Druze militiamen at puwersa ng pamahalaan, habang iniulat ang mortar fire at shelling sa mga residential na lugar. Ayon sa interior ministry, naaresto ang siyam na suspek sa operasyon laban sa organisadong krimen.
Sinabi ni Pangulong Ahmed al-Sharaa ng Syria na maingat ang hakbang ng bansa upang maiwasan ang pagkalunod sa mas malawak na labanan, sa kabila ng kasalukuyang tensyon na pangunahing bunga ng panloob na sigalot.













