-- ADVERTISEMENT --
Pinabulaanan ng Malacañang ang umano’y paghina ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects at iginiit na tuloy-tuloy ang kampanya laban sa korapsyon ng administrasyong Marcos.
Naipasa na ng Independent Commission for Infrastructure ang ulat nito sa Department of Justice at Office of the Ombudsman, na ngayon ay nagsusuri ng mga rekomendasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso.
Patuloy ding hinahawakan ng mga awtoridad ang maraming kaugnay na kaso, na isinusulong batay sa ebidensya upang matiyak ang pananagutan ng mga sangkot.













