Naglabas ang Korte Suprema ng Pilipinas ng writ of kalikasan kaugnay ng ilegal na quarrying sa loob ng Angat River-Bustos Dam Forest Reserve sa Banaban, Angat.
Inutusan ang Halrey Construction Inc. at iba pang sangkot na agad itigil ang quarrying, paghuhukay, at pagkuha ng lupa sa nasabing watershed area, kasabay ng pag-isyu ng pansamantalang environmental protection order.
Batay sa teknikal na ulat, pinalala ng mga aktibidad ang surface runoff, erosion, at sedimentation, na nagdulot ng pagkasira ng pananim, vegetation, at tirahan ng wildlife.
Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang pagbabago sa bahagi ng protected forest reserve ay naglalagay sa panganib sa katatagan ng watershed, pati na sa buhay, kalusugan, at ari-arian ng mga residente sa ilang lalawigan.
Ang nasabing lugar ay idineklarang protected forest land sa ilalim ng Proclamation No. 573.












