A drone view shows mud covering properties following a flash flood at Trishuli in Nuwakot district, Nepal, August 26, 2026. REUTERS/Stringer
-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Nangangamba at naghahanda ang mga Nepalese sa babala ng mga awtoridad sa China na mataas ang panganib ng panibagong pagbaha matapos mabuo ang isang artificial lake sa hangganan ng China at Nepal dahil sa pagguho ng lupa.

Ayon kay Rain Bernabe, Bombo International News Correspondent sa Nepal at tubong Malinao, Aklan, batay sa ulat,  maaaring umabot sa 3 milyong cubic meters ang tubig na papasok sa lawa sa susunod na tatlong araw dahil sa patuloy na pag-ulan.

Kapag nabutas o umapaw ang lawa, posibleng bumaba ang malaking volume ng tubig sa mga lugar sa ibaba ng agos, kabilang ang Gyirong Port, na maaaring magdulot ng karagdagang pagbaha at pinsala.

Samantala, patuloy ang search and rescue operations sa Nepal, ngunit nahihirapan ang mga rescuers na maabot ang mga apektadong lugar dahil sa makapal na putik, mga guho at mga nasira o saradong kalsada at tulay.

Aniya, biglaan ang pagtaas ng tubig sa lugar at wala umanong matinding pag-ulan bago mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi umano sila naapektuhan ng flash flood dahil malayo sa ilog ang kanilang tinitirhan at nasa halos dalawang bayan ang layo mula sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Aniya, hindi tourist spot ang naturang lugar at karaniwang dinaraanan lamang ito ng mga turistang mula sa China na nagtutungo roon para mag-hiking.

Sa kabilang daku, patuloy ang komunikasyon ng Philippine Embassy at Consulate sa Katmandu, Nepal sa Filipino community sa lugar.