-- ADVERTISEMENT --

Sinimulan na ng administrasyong Marcos noong 2025 ang paghahanda para sa posibleng epekto ng inaasahang super El Niño, ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.

Kabilang sa mga hakbang ng pamahalaan ang pag-iimbak ng suplay ng pagkain, paglalagay ng solar-powered water pumps, pagtatayo ng mga imbakan ng tubig at karagdagang water treatment facilities.

Ayon kay Gatchalian, may nakahandang suplay ng bigas na sapat para sa 75 araw, habang mahigit 100 araw naman ang reserba ng baboy at manok.

Naibalik din sa operasyon ang mahigit 60 hanggang 70 deep wells upang makatulong sa suplay ng tubig sa panahon ng tagtuyot. Inaasahan ding magbubukas ngayong buwan ang anim na bagong pasilidad sa paggamot ng tubig.

Samantala, nagtutulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan upang mabawasan ang pag-aaksaya ng tubig at mapanatiling sapat ang suplay ng kuryente.

-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat din ang publiko na mag-imbak ng tubig-ulan at tiyaking ligtas itong inumin sa pamamagitan ng wastong filtration system.