-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Posibleng sa 2027 pa magamit ang bagong Kalibo Public Market dahil sa mga pasilidad at imprastrakturang kailangan pang tapusin.

Ayon kay Sangguniang Bayan Member Emerson Lachica, hindi pa angkop okupahan ang gusali matapos ang ocular inspection noong Oktubre 15. Kabilang sa mga kulang ang elevator, lifter, calibration ng mga sub-meter at bubong sa bahagi ng ikatlong palapag.

Nauna dito, iginiit ng United Stakeholders and Vendors Association na napagkasunduan ng kanilang mga miyembro na hindi muna lilipat ang mga vendor hangga’t hindi sabay-sabay na naililipat ang lahat.

Balan naman ng Sangguniang Bayan na ipatawag ang Municipal Engineering Office upang matiyak ang kaligtasan ng gusali bago ito buksan sa publiko.