-- ADVERTISEMENT --
Nagtala ng bagong Guinness World Record ang performance painter na si David Garibaldi matapos niyang ipinta ang Statue of Liberty sa loob lamang ng 43.5 segundo.
Isinagawa ang pagtatanghal bilang bahagi ng ika-22 pagdiriwang ng Guinness World Records Day noong Nobyembre 19, 2026.
Ayon kay Garibaldi, nais niyang ipakita na kayang makamit ang isang pambihirang tagumpay sa pamamagitan ng bilis, talento at determinasyon.
Samantala, ilan pa sa mga bagong rekord na inanunsyo ay ang pinakamataas na bicycle backflip, pinakamaraming BMX flair at pinakamaraming pagtalon gamit ang lubid habang nakasuot ng tsinelas sa loob ng isang minuto.













