-- ADVERTISEMENT --

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mapapabuti ang relasyon ng Pilipinas at China matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Shenzhen, China.

Ayon kay Marcos, kabilang sa mga napag-usapan nila ang mga paraan upang mapababa ang tensyon sa West Philippine Sea at mapatatag ang ugnayan ng dalawang bansa.

Bagama’t hindi niya naka-usap si Chinese President Xi Jinping, sinabi ng Pangulo na naging makabuluhan ang kanyang mahabang pag-uusap kay Wang Yi.

Umaasa rin si Marcos na makakahanap ang dalawang bansa ng mas maayos na paraan upang maresolba ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan, gayundin ang mapalakas ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at China.