-- ADVERTISEMENT --

Maaaring ituloy ng Senate Committee on Ethics ang pagdinig kaugnay ng reklamong inihain laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa matagal nitong pagliban sa Senado, kahit hindi pa ito nakapagsusumite ng tugon.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III, maaari nang magpatuloy ang pagdinig habang hinihiling din niya sa Senate Committee on Rules na pag-aralan ang panukalang patakaran tungkol sa mga senador na madalas lumiban.

Muling inatasan ng Ethics Committee si Dela Rosa na sagutin ang reklamo. Nilinaw rin ni Sotto na wala nang karagdagang affidavit na isusumite ang mga nagreklamo.