-- ADVERTISEMENT --

Magtutungo sa Czech Republic ang delegasyon ng Pilipinas upang ayusin ang legal na proseso para sa pagbabalik ng dating kongresistang si Zaldy Co.

Sinimulan ang hakbang noong Nobyembre 2025 matapos maglabas ng warrant ang Sandiganbayan. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Czech authorities si Co matapos maaresto sa Prague.

Nahaharap siya sa tatlong warrant kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects at budget insertions. Nakatakdang pagdesisyunan ng Sandiganbayan ang lugar ng kanyang detensyon sa oras na maibalik siya sa bansa, nang walang espesyal na pagtrato.