Inihayag ng Malacañang na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maibalik sa Pilipinas ang dating kongresista na si Zaldy Co, na nahaharap sa mga kaso kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Ralph Recto, kasalukuyang tinututukan ng Department of Justice ang usapin, at inaasahang magbibigay ng mas malinaw na detalye si Justice Secretary na si Frederick Vida sa mga susunod na araw.
Itinuturing na fugitive si Co, na kasalukuyang nasa ibang bansa. Nilinaw naman ng DOJ na hindi maituturing na pormal na pag-aresto ang naging aksyon ng mga awtoridad sa Prague, kundi may kinalaman sa isyu sa immigration matapos umano itong mabigong magpakita ng wastong travel documents.
Nagtungo na sa Prague si Vida at ang kanyang grupo upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon at tiyakin ang pagbabalik ni Co sa Pilipinas.













