Aabot sa 977,036 public utility vehicle (PUV) drivers sa buong bansa ang nabigyan ng ₱5,000 cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang tulong sa sektor ng transportasyon.
Kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda ang mga tsuper ng jeepney, tricycle, TNVS, service delivery vehicles, at motorcycle taxi.
Tiniyak ng DSWD na sapat ang pondo para ipagpatuloy ang programa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Inihahanda rin ang posibleng ikalawang bugso ng pamamahagi gamit ang digital platforms upang mas mapabilis ang proseso.
Target ng ahensya na matapos ang unang payout bago magtapos ang Abril, kasama ang mga benepisyaryo sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Maglalagay rin ng mga medical team sa payout sites sa pakikipagtulungan sa Department of Health at mga lokal na pamahalaan dahil sa matinding init ng panahon.













