-- ADVERTISEMENT --
Ibinahagi ng aktres at socialite na si Heart Evangelista ang kanyang mas maingat na pananaw sa paggastos at pag-iipon.
Ayon kay Heart, mas proud siya ngayon sa disiplina niya sa paghawak ng pera, planado na ang bawat binibili, mula sa mga damit para sa partikular na okasyon hanggang sa paggamit ng talent fees.
Madalas din umano niyang tanungin ang sarili kung sulit ang isang pagbili o kung ito’y “tapon-pera.”
Tiniyak din ni Heart na itinuturing niyang investment ang kanyang apartment sa Paris na nabili noong 2022, dahil madalas siyang naroon at mas nakakatipid kumpara sa pananatili sa hotel.
Bagama’t naniniwala siyang mahalagang investment ang property, iginiit din niya ang kahalagahan ng masinop na pag-iipon.
-- ADVERTISEMENT --