Naitala ang pagtaas ng kaso ng Human parainfluenza virus infection sa China, ayon sa Chinese Center for Disease Control and Prevention.
Umakyat sa 6.9% ang positivity rate ng HPIVs mula sa influenza-like illnesses noong unang linggo ng Abril, mula 6.5% noong nakaraang linggo at 4.7% noong kalagitnaan ng Marso. Sa kabila ng pagbaba ng influenza activity, patuloy namang kumakalat ang HPIVs kasama ang Rhinovirus infection at Respiratory syncytial virus infection.
Ayon sa mga eksperto, mas apektado ang mga batang limang taong gulang pababa, na kadalasang nakararanas ng matinis o paos na ubo. Naipapasa ang virus sa pamamagitan ng respiratory droplets at close contact.
Pinapayuhan ang publiko na maghugas ng kamay, magsuot ng mask, at tiyakin ang maayos na bentilasyon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.













