-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Tiniyak ng bagong upo na municipal fire marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) Kalibo na mas pang papalakasin ang fire safety awareness sa mga komunidad.

Ito ay kasunod sa pormal nang pamumuno bilang bagong fire marshall ng Kalibo Fire Station ni F/Senior Inspector Delsie de Borja na tubong Panit-an, Capiz.

Pinalitan niya si Fire Senior Inspector Macario Montaña Jr.

Bago na-assign sa BFP Kalibo, si  Fire Senior Inspector de Borja ay naging hepe ng Balasan Fire Station sa loob ng siyam na buwan at naging deputy city fire marshall ng Roxas City Fire Station.

Nakapagsilbi din ito bilang head executive assistant ng plans and program division ng BFP regional office 6.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nangako ito na gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya upang maayos na pamunuan ang BFP Kalibo.

Maliban sa pagiging alerto ng mga bumbero,  plano din niya na higpitan pa ang pagsasagawa ng visibility para mabilis na makapagresponden hindi lamang sa mga nangyayaring sunog kundi maging sa mga road accidents.

Isusulong din nito ang pagsasagawa ng buwanang tree growing activity na naglalayon na lubusang maalagaan ang mga itinatanim na mga puno.

Target din niya na maipagpatuloy ang monthly clean-up drive sa mga coastal areas partikular sa Pook jetty port.

Dagdag pa ni F/Senior Inspector de Borja na magiging mahigpit siya sa pagpapatupad ng  Fire Code of the Philippines lalo na sa mga istraktura na walang mga fire exit gayundin ang pagsasagawa ng fire drill sa mga ospital, paaralan at iba pang mga establisyimento.

Maliban dito, ipagpapatuloy din niya ang rescue trainings sa iba’t ibang ahensya at sector sa bayan gayundin ang pagpapalakas sa pakikipag-ugnayan sa barangay dahil ito aniya ang maituring na first line of defense sa bawat kalamidad o sakuna.