Pinaalalahanan ng Philippine Heart Association (PHA) ang publiko na bantayan hindi lamang ang bilang kundi ang regularidad ng tibok ng puso upang maagapan ang cardiac arrhythmia na maaaring humantong sa stroke at heart failure.
Binanggit na ang arrhythmia ay tumutukoy sa iba’t ibang iregularidad sa ritmo ng puso, kung saan pinakakaraniwan ang atrial fibrillation (AFib) na kadalasang hindi agad napapansin ngunit may seryosong komplikasyon.
Ipinunto rin na nakatutulong ang mga wearable device sa paunang pag-monitor ng tibok ng puso, ngunit kinakailangan pa rin ang pagsusuri ng doktor gamit ang ECG para sa tiyak na diagnosis.
Inirekomenda ang pagkuha ng pulso sa pulsuhan para sa sariling pagsusuri at nilinaw na ang mabagal na tibok ay hindi agad delikado kung walang sintomas, samantalang ang iregular na tibok ay dapat ipasuri agad.












