-- ADVERTISEMENT --

Sinampahan ng kasong disbarment sa Korte Suprema ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pamamagitan ni Davao City Acting Mayor Sebastian Duterte.

Ayon sa inihaing reklamo ni Atty. Israelito Torreon, isinama rin sa kaso sina Defense Secretary Gilberto Teodoro, Justice Undersecretary Nicholas Ty, at Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.

Ito na ang pinakabagong reklamo laban kay Remulla, kasabay ng kanyang aplikasyon para sa posisyon ng Ombudsman na kasalukuyang sinusuri ng Judicial and Bar Council.

Ikinokonsidera ng kampo ni Remulla ang naturang kaso bilang bahagi ng umano’y forum shopping o paulit-ulit na pagsasampa ng reklamo sa iba’t ibang korte kaugnay ng parehong isyu.