-- ADVERTISEMENT --

Pinanatili ng Sandiganbayan ang pagtanggi sa motion for reconsideration na isinampa ng siyam na co-accused ni dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co kaugnay ng malversation sa ghost flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga nagpetisyon ang dating empleyado ng Department of Public Works and Highways Region 4-B, na sangkot sa paglagda sa vouchers at inspection reports para sa proyekto kasama ang contractor na Sunwest Inc. Natuklasan na hindi naabot ng Sunwest ang kinakailangang haba ng steel sheet piles para sa proyekto.

Ayon sa korte, ang mga argumento ng mga akusado ay paulit-ulit lamang at wala sa bisa, kaya hindi na muling tinalakay at nanatiling walang katotohanan ang kanilang motion.