-- ADVERTISEMENT --

Humiling ang legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ng pahintulot upang iapela ang desisyong nagpapatuloy sa kasong crimes against humanity laban sa kanya.

Ayon sa depensa, nagkamali umano ang Pre-Trial Chamber I sa pagpayag na umusad sa paglilitis ang kaso kaugnay ng mga pagpaslang sa kampanya kontra droga noong siya ay pangulo at alkalde ng Davao City.

Kinuwestiyon din ng kampo ni Duterte ang umano’y kakulangan ng malinaw na batayan sa ebidensya at hindi sapat na pagsasaalang-alang sa kanilang mga argumento.

Iginiit ng depensa na maaaring makaapekto ang mga ito sa pagiging patas at mabilis ng pagdinig kaya dapat umanong agad na aksyunan ng appellate chamber.

Sa ilalim ng mga tuntunin ng ICC, kinakailangan munang humingi ng pahintulot bago makapaghain ng apela sa ganitong mga desisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Wala pa namang tugon ang prosekusyon, habang sinabi ng kinatawan ng counsel for victims na may legal na batayan ang pagpapatibay ng kaso at nasunod ang tamang proseso.