-- ADVERTISEMENT --

Naghain ng counter-affidavit si Jinggoy Estrada sa Department of Justice kaugnay ng reklamong plunder na isinampa laban sa kanya at sa iba pa dahil sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Kinuwestiyon sa isinumiteng sagot ang mga procedural na aspeto ng reklamo at ang pagiging katanggap-tanggap at kredibilidad ng mga ebidensiyang iniharap ng National Bureau of Investigation sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inilahad din sa counter-affidavit ang mga usapin sa paggamit ng testimonya ng mga testigong nasa ilalim ng state witness protection program.

Samantala, nananatiling tutol ang Department of Justice sa kahilingan ng kampo ni Estrada na alisin ang precautionary hold departure order na inilabas ng korte laban sa senador.