-- ADVERTISEMENT --

Nagbanta si US Pres Donald Trump na ihihinto ang lahat ng kalakalan sa Spain matapos pigilan ng bansa ang paggamit ng US ng mga military base para sa operasyon laban sa Iran. Patuloy ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang ang pagtutol ng Spain sa hinihinging pagtaas ng NATO defence spending.

Ipinahayag ng White House at ni German Chancellor Friedrich Merz na anumang trade restriction ay kailangang isaalang-alang ang batas, EU agreements, at kalayaan ng pribadong kumpanya. Noong 2025, umabot sa $26 bilyon ang eksport ng US sa Spain at $21 bilyon ang import, karamihan ay pharmaceutical products at olive oil. Ipinagbawal naman ng Pedro Sánchez ang paggamit ng military base sa southern Spain bilang pagtutol sa operasyon laban Iran.